Bicolano naman ang bida natin sa kuwentong ito.
Basta Bilocano daw, siguradong oragon! Madalas ko itong marinig sa mga kaibigan kong nagmula sa iba't ibang bayan ng Bicol sa Pinas.
Pero hindi tungkol sa oragon ba talaga ang mga Bicolano o hindi ang tema ng kuwentong ito. Ang punto nito ay maraming Bicolano na ang matagumpay na nakarating sa Amerika!
Heto ang sampol - meet Dante, the Pinoy Bicolano - na kung tawagin ng kanyang mga kaibigan ay si Dan.
Si Dante o Dan, taga Bicol, dumating sa Amerika sa tulong ng kanyang kumpareng Bicolano na naunang nakarating sa US at may kontak sa immigration sa Pilipinas.
Medyo tagilid ang papeles ni Dan, kaya masyado siyang maingat. Kabilang siya sa mga Pinoy sa US na kung tawagin ay TNT ( Tago Nang Tago) baga. Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan sa tinutuluyan niyang bahay sa Tate, kung hindi kasama ang kanyang kumpare.
Eh minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. "Pareng Dan," sabi ng kumpareng tinatago ang inis, "Eto ang susi ng kotse at mga credit cards ko. Mag-shopping ka naman sa Mall, para malibang ka. Kung may problema ka, tawagan mo ako sa telepono. Papasok na ako sa opisina."
Dahil siguro sa hiya ni Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos siya, sinubukan niyang lumabas.
Tuwang-tuwa si Dan sa pamamasyal sa Mall. Nakapili siya ng mga damit na gusto niya. Ngunit pagdating sa cashier, biglang nataranta at natakot si Dan!
Tanong ng cashier, "Visa or Master Card?"
Karipas si Dan palabas ng mall dahil sa takot! "Aba! Hinahanap ang visa ko! Baka nabisto na'ko! Syet!"
Sakay kaagad si Dan sa dalang kotse. Harurot! Kaso, halos wala ng gas ang sasakyan, kaya huminto siya sa isang gas station na self-service.
Nang maglalagay na siya ng gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker, "Sir, payfirst, please."
Kinabahan si Dan. "Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!"
Iniwan ni Dan ang kotse. Nagtatakbo siya sa mga eski-eskinita, hanggang sa makakita siya ng payphone.
Patago-tago siyang lumapit sa payphone. Hingal na hingal. "Kailangang matawagan ko si kumpare... para masundo niya ako rito!"
Hingal kabayo pa rin si Dan. Pagtaas niya ng handle ng telepono, narinig niya, "AT&T, How can I help you?"
"Aba, anak ng putakteh! Alam na TNT ako! Buking na ako!"
Pagbaba ni Dan ng telepono, may Amerikanong nakatayo sa likod niya, tanong ba naman, "Are you done?"
Napahandusay si Dan sa phone booth. Biglang bulalas, "Buray kan ina! Alam pa ang pangalan ko!"
Nagulat ang tisoy na Kano, "Hey, be cool, man!"
"Naku! Alam pa na taga-Bicol ako!"
"Is that your green car parked in the red zone?"
Hihimatayin na si Dan! "Hinahanapan pa ako ng green card!"
Nagkataon may dumaan pang ahente ng immigration. Kaya sa matinding takot, nagpa-HULI na lang si Dan!
blog#5
The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment