Please pass... patapos na pakiusap sa ending ng e-mail.
Kung meron kang e-mail address - personal o pang-trabaho, siguradong madalas kang makatanggap ng e-mails mula sa kaibigan, kamag-anak, ka-opisina, kakilala o kahit hindi mo kakilala - bukod pa siyempre iyong mula sa kapamilya at kapuso!
Heto ang sample ng e-mail na tiyak na noong nabasa mo ay napangiti ka, natawa, napailing, napatango, nainis dahil medyo tinamaan ka pero sa bandang huli, sang-ayon ka hindi man sa lahat ng nabanggit ay mayroong ilang ideya na tumpak ang obserbasyon sa iyo, sa akin at sa ating mga kababayang Pinoy sa kalahatan- kasarian man ay babae, lalake at pati na ang mga di tiyak!
ANG PINOY - SA ABROAD AT PINAS!
ABROAD: Pag nagkasala ang Pinoy, pinarusahan siya ayon sa batas.
PINAS: Pag nagkasala ang Pinoy, ayaw niyang maparusahan kasi sabi niya mali raw ang batas!
ABROAD: Pinag-aaralan muna ng Pinoy ang mga batas bago siya pumunta roon, kasi takot siyang magkamali.
PINAS: Pag nagkamali ang Pinoy, sorry kasi hindi raw niya alam na labag sa batas iyon!
ABROAD: Kahit gaano kataas ang bilihin at tax sa USA okey lang, katuwiran doble kayod na lang.
PINAS: Mahilig ka sa last day para magbayad ng tax, minsan dinadaya mo pa o kaya hindi ka nagbabayad. Rally ka kaagad kapag tumaas ang pasahe at bilihin, imbes na magsipag mas gusto natin ang nagkukwentuhan lang sa munisipyo o kahit sa alinmang tanggapan!
ABROAD: Sa Singapore, kapag nahuli kang dumura, nagkalat or nagtapon ng basura sa hindi tamang lugar, magbabayad ka ng 500 Singapore dollars. Sabi ng Pinoy, okey lang kasi lumabag ako sa batas.
PINAS: Kapag nagkamali ang Pinoy katulad nang ganito, sabi ng Pinoy- ang lupit naman ni Bayani Fernando, mali naman ang pinaiiral niyang batas eh akala mo kung sino. Ayun nag-rally na ang Pinoy, gustong patalsikin si BF kahit na alam niyang mali siya!
ABROAD: Law abiding citizen sa ibang bansa ng walang angal.
PINAS: Reklamador, jaywalker, traffic violator, dura dito dura doon, kalat dito kalat doon...
ANG PINOY - NOON at NGAYON
NOON: Wow, ang sarap ng kamote (kahit nakaka-utot).
NGAYON: Ayaw ko ng kamote, gusto ko French Fries (imported eh)!
NOON: Okay sa olrayt, ang sarap ng pan de coco.
NGAYON: Ayaw ko na ng pan de coco, gusto ko Hamburger!
NOON: Ayos ito, ang sarap ng bibingka!
NGAYON: Ayaw ko na ng bibingka, gusto ko Pizza!
NOON: Wow, ang sarap ng kapeng barako.
NGAYON: Ayaw ko niyan, gusto kong kape sa STARBUCKS (imported coffee 100 pesos per cup)!
NOON: Bili ka ng tela para magpatahi ng pantalon like maong.
NGAYON: Gusto ko LEVI'S, WRANGLER, LEE. Tapos rally tayo- GMA, tuta ng KANO!
NOON: Hayaan ang mga bata na maglaro ng taguan, habulan at minus-one kantahan.
NGAYON: Hayaan ang mga bata (pati matatanda)na mag-KARAOKE, VIDEOKE, GAMEBOY, PLAYSTATION at pang imported na hi-tech video games!
NOON: Hanep, ang ganda ng damit at accessories mo - proudly Philippine made.
NGAYON: Ito ang signatures na gusto ko - gawa sa MILAN, PARIS at NEW YORK!
NOON: Bumili tayo ng gamit sa sari-sari store o sa palengke.
NGAYON: Mag-shopping tayo at magpalamig sa MALL!
NOON: Sabon na Perla OK ng pampaligo.
NGAYON: Gusto mo DOVE, HENO DE PRAVIA, IVORY, etc. may matching shampoo pa!
NOON: Pag naglaba ka, batya at palopalo ok na, minsan banlaw lang sa batis pwede na.
NGAYON: Naka-washing machine ka na plus ARIEL powder soap with matching DOWNY pa para mabango!
Wa na ko say.... smile na lang. PILIPINAS... bayang Pinas ni Juan Dela Cruz.
PILIPINO... Pinoy... Noypi... Pinay... Naypi - guilty as charged!
Please pass...
blog#1
The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment