Isang araw ng Linggo ay nag-operation linis ako ng aking kuwarto sa aming home sweet home.
Isa sa pinakamatinding nakahiligan ko sa buhay-- hindi alak, hindi sugal, hindi babae at lalong hindi rin lalake-- not so long ago ay ang manood ng mga pelikula, gawang Hollywood man o gawang Pinas, at kahit gawang Intsik at gawang Bumbay!
Mabibisto ang edad ko nito. Ang dami ko palang koleksyon ng VHS video tapes na kelangan kong idispatsa dahil wala na sa uso at inaamag na. Uso na kasi ngayon ang movies na puwedeng i-save sa USB, DVD at VCD!
Anyway, sinubukan kong ilista ang titles ng mga koleksyon kong pelikula - three to five years ago at nag-reminisce ako kung natatandaan ko pa ang istorya ng bawat isa kung sasabihin ko sa one liner. Oks pa naman pala ang memorya ko, medyo recall ko pa ang summary ng istorya ng bawat isa by just translating the titles into Tagalog or English, and vice versa.
Heto ang titles ng movie collections ko not too long ago-- and to give you idea on how truly good, entertaining (and funny) when I reminisced them. Sinubukan kong i-translate 'yung American movies with English titles into Tagalog, at 'yung mga pelikulang Pinoy na may English titles, sinubukan kong i-translate sa Tagalog.
Eto ang resulta ng aking expert translations ...
TAGALOG = ENGLISH
Walang Matigas Na Tinapay Sa Mainit Na Kape = There's No Hard Bread on Hot Coffee
Masamang Damo = Bad Grass
Pag Oras Mo Na, Oras Mo Na = If it's Your Time, Its your Time
Tunay Na Tunay. Gets Mo? Gets Ko! = Very Real. Get It? I Get It!
Wala Ka Nang Lupang Tatapakan = You Have No More Soil to Walk on
Babangon Ako't Dudurugin Kita = I Will Wake Up and and I Will Crush You
Dumating Ka Lang Ba Para Umalis? = Did You Come Just to Go?
Sana'y Maulit Muli = Hope to Repeat Again
Kung Ayaw Mo Huwag Mo = If You Don't Like, Don't You
Isang Bala Ka Lang = You're One Bullet Only
Abakada... Ina = ABC Mother
Kakaba-Kaba Ka Ba? = Nervous-Nervous Are You?
Oops, Teka Lang Diskarte Ko 'To = Oops, Wait This is My Tactic
Sa Huling Paghihintay = In the End of the Waiting
Dahil Mahal Na Mahal Kita = Because Love and Love you
Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pag-ibig = Bring Back Again the Sweetness of Love
Walang Karugtong Ang Nakaraan = Theres No Connection in the Past
Maglulupa Man Ako = If I was the Soil Man
Pagbabalik Ng Probinsyano = The Return of the Provinceman
Bihagin Ang Dalagang Ito = Hostage this Young Girl
May Lamok Sa Loob Ng Kulambo = There's a Mosquito Inside the Mosquito Net
Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib = Push of the Mouth, Pull of the Chest
Type Kita Walang Kokontra = You're my Type, Dont Contradict
Hatiin Natin ang Ligaya = Let's Cut in Half the Happiness
Tuhog = Barbecued
Boy Anghel, Utak Pulboron = Boy Angel, with Mind of Powdered Bulacansweets
Home Along The Riles = Bahay sa Gilid ng Rails
ENGLISH = TAGALOG
Jerry Maguire = Jerry M. Aguirre
X-Men = Mga Dating Lalaki
Silence of the Lambs = Katahimikan ng mga Tupa
Mary Poppins = Maria Putok
The Fast and the Furious = Ang Mabilis at Ang Galit na Galit
Stepmom = Nanay-Nanayan
Thin Red Line = Payat, Pulang Linya
Me, Myself, and Irene = Ako, Ako, at si Irene
Babe in the City = Sanggol sa Syudad
Jurassic Park = Sinaunang Luneta
Batman Forever = Taong Paniki Habang Buhay
Lethal Weapon = Makamandag na Armas
Lethal Weapon 2 = Makamandag na Armas Ulit
Lethal Weapon 3 = Makamandag na Armas na Naman
Lethal Weapon 4 = Makamandag na Armas na Talaga
blog#17
The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com
Thursday, November 20, 2008
Classic Movie Titles: Pinoy Humor in Translation
Labels:
DVD,
English-Tagalog Dictionary,
Pinoy Translation,
USB,
VCD
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment