The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com

Thursday, November 27, 2008

Meralco Story: The Newly Wed Couple!

E-mail na kuwento ito ng isang kaibigan na nagtatrabaho sa Meralco - isang dating kaklase sa high school na matapos mag-graduate sa college ay nagtrabaho na sa Meralco. At hanggang ngayon na may asawa at tatlong anak ay nasa Meralco pa rin.

Basta ilaw at koryente ang usapan, wala sigurong hindi nakakilala sa Meralco. Basta may brownout, blackout, dagdag-singil o rollback ng bayad sa koryente, bida ang Meralco!

Pero hindi tungkol sa kasaysayan ng Meralco ang kuwentong ito. Tungkol ito sa isang kuwento na nangyari sa tunay na buhay ng isang mag-asawang Pinoy - na may kinalaman sa Meralco. Maikli lang itong kuwento, pero walang kupas at napapanahon. Heto na ang kuwento na may pamagat ...


Ang Jeepney Driver at ang Labandera

Bagong kasal sina Lando at Tasya. Jeepney driver si Lando at labandera naman si Tasya.

Isang araw, pagdating ni Lando sa bahay galing sa pasada, sabi ni Tasya sa kanya, "Sweetheart, delayed ako ng isang buwan. Kagagaling ko lang sa doktor. Pero huwag mo munang sabihin kahit kanino, baka mapahiya lang ako kapag di nagkatotoo."

Kinaumagahan, merong dumating na taga-Meralco. Wala sa bahay si Lando, pumasada na.

Pagbukas ng pinto, sabi ng taga-Meralco kay Tasya, "Ale, delayed ho kayo ng isang buwan!"

"Kanino mo nalaman ito?" tanong ni Tasya.

"Nandito ho nakasulat sa records namin," sagot ng taga-Meralco.

"Talaga? Nakasulat sa records ninyo?," takang-taka si Tasya.

Sa sumunod na araw, si Lando ay sumugod at dumating na galit na galit sa counter ng Meralco.

"Paano niyo nalaman na delayed ng isang buwan ang misis ko?," galit na tanong ni Lando.

"Konting pasensya lang po. Kung gusto niyong mawala sa records namin ito, magbayad na lang kayo," sagot ng isang empleyadong clerk ng Meralco.

"Eh, kung ayaw kong magbayad?" inis na tanong ni Lando.

"Puputulan ho kayo!" sagot naman ng empleyadong kahera ng Meralco.

"Kung puputulan ako, anong gagamitin ng misis ko?," reklamo ni Lando.

Sagot ng taga-Meralco, "Pwede naman siyang gumamit ng kandila, di ba?!"

Hinimatay si Lando!


blog#21

No comments: