The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com

Tuesday, November 25, 2008

50 Pinoy Quotations for the New Generations

May kasabihan sa Ingles, "The only thing constant in this world is change!

Wala sigurong kokontra sa kasabihang ito. Totoong tunay na lahat ng lumang bagay sa mundo, laging may kapalit na mas bago. Lahat ng bagay na nababago, puwedeng baguhin!

Sa larangan ng computer, electronics, automotive, fashion, medisina, teknolohiya at iba pa, napakabilis ng mga pagbabago. Yung sinasabing luma na ngayon o kaya'y obsolete, parang kailan lang ay bago ang mga 'yan!

Dahil sa pagka-moderno ng pamumuhay ng tao ngayon saan man sulok ng mundo, hindi lang pati mga bagay na puwedeng bilhin at ipinagbibili merong bago. Yung iba diyan, pati boyfriend or girlfriend, o kahit asawa pa - kayang baguhin!

Pero hindi bagong lovelife ang talagang paksa natin. Tungkol ito sa mga kasabihang Pinoy na binago ng panahon.

Marami pang iba sa mga susunod na kabanata ng blog na ito. Heto muna ang patikim na limampung (50) koleksyon ng mga kasabihang Pinoy na inilista ng inyong lingkod na walang magawa.... at kaysa tumira ng droga, tumambay kung saan-saan o makipaglaban ng inuman sa kanto ay mag-kolektor na lang - hindi ng huweteng kundi ng mga Pinoy jokes, amusing essays and stories about everything Pinoys na dinagdagan ng mga pa-cute na pakuwelang hirit ng Pinoy Funny Ideas blog.


5o Mga Kasabihang Pinoy na Binago ng Panahon

1) Ang taong nagigipit... sa bumbay kumakapit!
2) Pag may usok...may nag-iihaw.
3) Don‘t judge the book by its cover... if you are not a judge or else you will cover the book!
4) Ang taong naglalakad nang matulin... may utang.
5) No guts, no glory... no ID, no entry!
6) Birds of the same feather that prays together... stays together.
7) Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot!
8) Ang buhay ay parang bato, it's hard.
9) Walang matigas na tinapay sa gutom na tao!
10) Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .... may stiff neck.
11) Birds of the same feather make a good feather duster!
12) Kapag may taga, may tahi.
13) Huli man daw at magaling, undertime pa rin!
14) To err is human, to errs is humans.
15) Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment!
16) Matalino man ang matsing, matsing pa rin.
17) Better late than later...
18) Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago. Mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga!
19) Ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng Alaxan.
20) Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa!
21) Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na.
22) Behind the clouds are the other clouds!
23) Aanhin pa ang damo.. kung bato na ang uso.
24) Its better to cheat than to repeat!
25) Do unto others... then run!
26) Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.
27) Magbiro ka na sa lasing. Magbiro ka na sa bagong gising. 'Wag lang sa lasing na bagong gising!
28) When all else fails, follow instructions.
29) No man is an island because time is gold!
30) An apple a day... is too expensive.
31) An apple a day makes seven apples a week!
32) An apple a day cannot be an orange a day.
33) Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. muta lang yan!
34) Kapag ang puno mabunga... mataba ang lupa.
35) When it rains... it floods!
36) Pagkahaba haba man ng prusisyon...mauubusan din ng kandila.
37) Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw minsan nasa.... vulcanizing shop!
38) Batu-bato sa langit, ang tamaan... sapul . --- Aray ko po!
39) Try and try until you succeed... or else try another.
40) Ako ang nagsaing... iba ang kumain. Diet ako eh!
41) Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.
42) Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago!
43) Pag may tiyaga... goodluck.
44) If you can't beat them, shoot them!
45) Practice makes perfect… but nobody is perfect… so why practice?
46) Pag mainit ang ulo ni misis... kulang sa sustento at amoy alak si mister!
47) Pag mainit ang ulo ni mister... walang lutong ulam at hindi naligo ni misis!
48) Love is blind. Love is real. Love is boundless. Therefore, blind is real boundless.
49) Buti pa ang perang papel, laging may tao... ang tao, madalas walang pera.
50) Money is not everything... there is Mastercard and Visa!

blog#20

No comments: