Naalala ko yung short prayer sa previous blog:
"Give me a sense of humor, Lord. Give me the grace to see a joke;
To get some humor out of life... and pass it on to other folks..."
Sa langit daw, laging masaya't nagtatawanan ang mga anghel at kerubin. Kung totoo ito, tiyak na marami din silang kuwentuhan, jokes at biruan na nagpapasaya sa lahat!
Narito ang twenty spiritual truths na nai-share ng mabait kong kaibigan at ang opinyon-hirit ng Pinoy Funny Ideas blog.
TWENTY TRUTHS TO REMEMBER
1. Faith is the ability to not panic.
May pananampalataya na nagpa-panic sa oras ng kalamidad, aksidente at matinding pangangailangan!
2. If you worry, you didn't pray. If you pray, don't worry.
Ang madasalin ay hindi umaayaw. Ang umaayaw ay hindi madasalin!
3. As a child of God, prayer is kind of like calling home every day.
Ang anak ng Diyos ay laging tumatawag at nagte-text ng panalangin!
4. Blessed are the flexible, for they shall not be bent out of shape.
Pinagpala ang mga maunawain sa kapwa dahil sila'y uunawain ng Nasa Itaas!
5. When we get tangled up in our problems, be still. God wants us to be still so He can untangle the knot.
Ipagkatiwala ang mga buhol ng iyong buhay sa Diyos!
6. Do the math. Count your blessings.
Huwag nang gumamit ng calculator sa pagbilang ng mga biyayang kaloob!
7. God wants spiritual fruit, not religious nuts.
Mahal ng Diyos ang taong ispiritwal, hindi ang relihiyosong panatiko!
8. Dear God: I have a problem. It's me.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Huwag problemahin ang problema. Ang problemahin ay ang sarili mo!
9. Silence is often misinterpreted, but never misquoted.
Pag ang isang tao ay tahimik, malamang natutulog o patay na!
10. Laugh every day, it's like inner jogging.
Tumawa araw-araw. Mabisang exercise kaysa jogging!
11. The most important things in your home are the people.
Ang pinakamahal sa loob ng isang bahay ay ang mga taong mahal mo sa buhay!
12. Growing old is inevitable, growing up is optional.
Lahat ng tao ay tumatanda. Hindi lahat ng tao ay may pinagkatandaan!
13. There is no key to happiness. The door is always open.
Kung nawala ang iyong susi sa kaligayahan, gumawa ng paraan para magpa-duplicate!
14. A grudge is a heavy thing to carry.
Mabigat magbitbit ng mga sama ng loob. Ilabas ang sama ng loob, bumitbit ng kahit anong bagay na may bigat at ibalibag sa sahig o dingding!
15. He who dies with the most toys is still dead.
Ang namatay na madaming iniwang ari-arian, ang kapamilya't kamag-anakan ay magkakamatayan sa pag-aagawan!
16. We do not remember days, but moments. Life moves too fast, so enjoy your precious moments.
Huwag magbilang ng araw. Tandaan ang bawat araw na ka-moment moment!
17. Nothing is real to you until you experience it, otherwise it's just hearsay.
Feel mo, feel ko ... mas mahusay ang may karanasan kaysa sa nagkuwento lang!
18. It's all right to sit on your pity pot every now and again. Just be sure to flush when you are done.
Buhusan ang inidoro ng awa matapos gamitin!
19. Surviving and living your life successfully requires courage. The goals and dreams you're seeking require courage and risk-taking. Learn from the turtle -- it only makes progress when it sticks out its neck.
Wagi sa buhay ang matapang makipagsapalaran.
20. Be more concerned with your character than your reputation. Your character is what you really are while your reputation is merely what others think you are.
Pag maganda ang ugali, maganda ang reputasyon. Pag pangit ang reputasyon, pangit din ang ugali!
blog#19
No comments:
Post a Comment