The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com

Saturday, November 8, 2008

Top 10 Delicious But Dangerous to Pinoy Health!

Bakit ba kung alin 'yung masarap, iyon ang bawal!

Wala sigurong tututol sa obserbasyong ito, lalo na doon sa mga taong nasa kasarapan ng bawal na paig-ibig. Pero hindi tungkol sa bawal na pag-ibig ang blog na ito. Tungkol ito sa mga paboritong tsibog ng Pinoy na sarap ulit-ulitin!

Hindi maitatanggi, lahat ay guilty - na tayong mga Pinoy ay mahilig sa mga pagkaing hindi healthy sa ating katawan. Narito ang Top 10 ayon sa survey ... anu-ano ba ang mga ito at alin ba ang safe na pamalit?

Mag-umpisa tayo sa numero 10 papunta sa numero 1, mula sa least healthy or minor damage hanggang sa worst healthy or major damage - sa likod ng mga kasarapang simot-sarap!

10. Soft drinks – Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kaya grabe ang tamis. Nakatataba at masama ito sa mga diabetiko. Mag-ingat din sa diet soft drinks, dahil may halo itong phosphorous. Ang phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis.

Sige na nga, mineral water na lang!

9. French fries – Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi ng maraming eksperto kung bakit dumarami ang taong may sakit sa puso at mataas ang kolesterol.

Sige na nga, camote cue na lang!

8. Matatabang sarsa - tulad ng gravy, mayonnaise at butter. Tadtad iyan ng calories. Mas mainam pa ang calamansi o hot sauce bilang sawsawan.

Sige na nga, sawsaw-suka na lang!

7. Alak — May mga taong nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso. Kapag tinanong sila kung gaano karami ang iniinom, ang sagot ay, “Minsan, nauubos ko ang isang bote.” Masama ang sobrang alak sa ating kalu­sugan. Masisira ang ating atay, ugat at utak. Nakapag­dudulot din ng maraming kanser.

Sige na nga, iced tea or hot tea na lang!

6. Junk food – Nakaka-addict ang mga sitsirya, corniks at potato chips. Ito’y dahil sa maraming halong vetsin at asin. Wala itong silbi sa katawan. Iwasan ito.

Sige na nga, chewing gum na lang!

5. Hilaw na karne – Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na karne, tulad ng kilawin na isda o steak na may dugo pa. Si­guradu­hing luto ang inyong kina­kain. Tandaan, hindi na­mamatay ang mga bula­te sa suka o calamansi.

Sige na nga, sinigang o adobo na lang!

4. Street food – Ayon sa pagsusuri, 70 percent ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan. Kapag hindi nag­hugas ang mga street vendors ng kamay, puwede itong lumipat sa ating pag­kain. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball, kwek-kwek at taho. Huwag maki­pagsapalaran!

Sige na nga, banana cue na lang!

3. Laman loob – Sadyang nakahiligan na ng mga Pinoy ang pagkain ng utak, puso, bato at bitu­ka. Sobrang taas iyan sa uric acid at cholesterol. May mga eksperto ang nagsa­sabi na nagdudulot din iyan ng kanser.

Sige na nga, chicken adidas na lang!

2. Chicharon - at chicha­ron bulaklak. Sabi ng mahihilig dito, “Balat lang na­man ang gusto ko eh, hindi naman taba.” Ang hindi nila alam, nagtatago ang taba sa balat. “Sinawsaw ko naman sa suka,” hirit pa ng mga namumulutang manginginom. Kahit may suka, taba pa rin iyan!

Sige na nga, popcorn na lang!

1. Lechon – Ang pabo­rito ng lahat, ang lechon, crispy pata at pata tim. Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng ugat sa puso at utak. Ang madalas na bonus pag nasobrahan? Istrok at atake sa puso.

Sige na nga, fried or grilled fish na lang!

Kaibigan kung hindi talaga mapigilan ang sarap ng top 10 na binanggit, hinay-hinay lang, tikim-tikim lang. Sorry po kung nasaktan ang inyong damdamin, pero iyan ang buong katotahanan ayon sa mga doktor. Ingat lang!

Mga gulay, isda at prutas talaga ang masustansya mapa-matanda, mapa-bata at kahit ano pa ang edad mo ngayon na ayaw mong aminin!


blog#7

No comments: