The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com

Saturday, November 8, 2008

20 Filipino Quotations: Pinoy Heart, Pinoy Mind!

Maraming kasabihan ang mga Pinoy tungkol sa buhay. Bago pa man nauso ang pasa-load para sa cellphone, meron nang pasa-kasabihan ang mga Pilipino!

Lahat ng mga kasabihang ito ay nagsisilbing gintong aral tungkol sa iba't ibang aspesto na may kinalaman sa buhay Pinoy. Mga kasabihan na ipinasa sa mga anak ng kanilang ama't ina, ipinasa sa mga ama't ina ng mga lolo at lola, at ipinasa sa mga lolo't lola ng mga ninuno.

Ang ipapasa nating mga kasabihan sa blog na ito ay sinulat ni Bob Ong. Ang mga kasabihang sinulat niya ay inspired ng matatandang kasabihan. Si Bob Ong ay hindi Chinese philosopher bagaman sa apelyido pa lang ay mahuhulaan mo nang may lahing Chinese.

Para sa mga hindi nakakakilala, si Bong Ong ay isang Pinoy writer. Ilan sa bestsellers na librong sinulat niya sa wikang Tag-lish (mixed Tagalog at English) ay ang mga aklat na may pamagat: (1) "Aba! Nakakabasa Na Pala Ako"; (2) "Bakit Baligtad Magbasa ang Pinoy?"; (3) "Ang Alamat ng Gubat"; (4) "Stainless Longganisa" at (5) Libro ni Hudas." Ang mga kuwelang aklat ni Bob Ong ay tungkol sa buhay Pinoy.

Heto ang 20 Quotes o kasabihan mula sa mga libro ni Bob Ong at ang komentong hirit ng Pinoy Funny Ideas blog:

1. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

Kung ano ang tindi ng tama, siya rin tindi ng pagkaseryoso. Kahit anong tibay, walang binatbat pag sobrang ganda ng temptasyon!

2. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

Kelangan ng panggastos para maalagaan ang taong malapit sa iyo. Kelangan din ng panggastos para alagaan ang sarili!

3. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."

Huwag kang bibitiw. Ang umaayaw ay hindi nagwawagi. Ang nagwawagi ay hindi umaayaw!

4. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

Huwag galawin kung hindi paninindigan. Huwag lawayan kung hindi uubusin. Baka mapanis!

5. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

Ang kay Pedro, kay Pedro. Ang kay Juan, kay Juan. No touch kung ayaw mong ma-koryente. Magpa-alam o humingi ng permiso bago hawakan ang merong may-ari!

6. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

Kung walang puwesto sa elevator na dumaan, hintayin ang susunod na elevator. Kung hindi makapaghintay at nagmamadali, hanapin ang hagdanan o tumalon sa bintana!

7. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din."

Mas malandi ka, mas maraming lalandi sa iyo!

8. "Pag may mahal ka at ayaw sa iyo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw, ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

Pag ayaw sa iyo, doon ka na lang sa kaibigan niya. Kung ayaw ng kaibigan niya, doon ka na lang sa kapatid. Kung ayaw ng kapatid, doon ka na lang sa pinsan niya. Kung ayaw ng pinsan, doon ka na lang sa kapitbahay. Kung ayaw ng kapitbahay, magpa-sex change ka na kaya!

9. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

Malungkot ang hiwalayan. Magkusa ka na lang magdagdag ng iba pang mamahalin. Huwag ka lang pahuhuli!

10. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."

Talagang ganyan minsan ang buhay - tabla tabla lang. Kung sino ang mahal mo, mahal niya iba. Kung sino nagmamahal sa iyo, hindi mo naman mahal!

11. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

Kulang sa palo pag ayaw matulog ng bata o kulang sa gatas na pampatulog. Ang hirap na kasi ng buhay, pamahal nang pamahal ang gatas baka contaminated pa!

12. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

Pag wala ka na talagang makita na gusto mo, magtiyaga ka na sa pangit at ibigin mong tunay!

13. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

Walang nang sisihan, mag-move on ka na lang sa ibang target!

14. "Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

Walang taong perpekto. Ang sundalo habang nasusugatan, lalong tumatapang. Hindi baleng magkasugat-sugat at maraming peklat, meron namang sebo de macho!

15. "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson (hindi ko man kilala ng personal si Bob Ong, nagka-idea na ako na taga dekada 80 sya) o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

Huwag magmadali kung teenager ka pa o 20-something ka lang. Pag 3o-plus ka na, madaliin mo na bago mahuli sa biyahe - baka kahit magpapa-pandesal hindi ka magustuhan!

16. "Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko. Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

Habang maigsi ang kumot, mag-aral mamaluktot. Huwag mong hanapin ang wala, mahihirapan at mapa-frustrate ka lang, hindi mo makikita dahil wala na nga!

17. "Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito, at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

Huwag mong pahirapan ang sarili mo kung hindi mo ma-gets. Maghanap ka ng tutor o ng translator!

18. "Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

Kung pangarap mong maging adik - hindi na kelangan ang drugs. Para ka na rin adik pag kumain ka ng siopao na may pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak. Kung hindi mapigilan ang pag-drugs, wag nang maghanap sa labas ng bahay. Tiyak sa loob ng bahay, meron puwedeng tirahin na cough syrup o rugby!

19. "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. Haaay, sarap!"

Huwag tumigil sa pag-aaral. Mawawalan ka ng dahilan para humingi ng baon na allowance at dagdag allowance para sa project!

20. "Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

Binabati kita. Maraming tao, walang pangarap - o kung may pangarap man, sumuko na. Yung magkaroon ka ng pangarap at magsikap na matupad ito sa ano mang legal o ilegal na paraan, malaking bagay na yon!


blog#8

No comments: