The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com

Monday, November 10, 2008

Student Jokes, Dozes of Pinoy Humor

Mga pakuwelang gawa ng estudyante, mga komedyang galing sa estudyante ... napulot at inipon mula sa e-mails ng estudyante sa kapwa estudyante.

Payong estudyante
KAPAG may kasalanan ka sa nanay mo, huwag kang matakot. Unahan mo siya.
Sabihin mo sa kanya, “Nay, pagod ako… huwag n’yo ‘kong pagalitan!”
Sabay kuha ng bag at mga damit, saka mo isigaw, “Punyetang bata ako! Sige, lalayas ako!”

Karapatan ng kabataan
Bawat kabataan, may karapatan… karapatang gumala… umuwi anytime… makipag-date sa syota. Magalit man ang pa­rents mo, sabihin mo, “Sa bahay na ‘to, ako ang batas!” sabay takbo at sigaw, “Joke lang po!”

Mga SALAWIKAIN ng high school students
Aanhin mo pa ang 100 kung 75 na ang uso?
It’s better to cheat than to repeat.
Aanhin mo pa ang libro kung scholar ang katabi mo?
Sa hinirap-hirap man ng grading, sa pagda-drop pa rin ang tuloy.
Ang hindi marunong lumingon tuwing exam, bagsak na malamang!

Pagsi-shift ng kurso
Tumawag si Kenneth kay Jun-jun sa telepono…
KENNETH: Pare, magsi-shift na lang ako sa Fine Arts.
JUN-JUN: Naku, pare! Bago mo isipin ang pagsi-shift ng course, tapusin mo muna ang elementary!

Use in a sentence
TITSER: Pedro, use ‘Paul’ in a sentence.
PEDRO: PAUL, be carePAUL, you might PAUL in the swimming PAUL and make a PAUL of yourself before the peoPAUL!

Late Student
PROFESSOR: Bakit ka na-late?
STUDENT: Nahol­dap po ako!
PROFESSOR: Oh?! Ano’ng kinuha sa ‘yo?
STUDENT: ‘Yung assignment ko po!

Missing Assignment
TITSER: Mario, nasaan na ang assignment mo?
MARIO: Ma’am, na kay Edwin po! Ginawa n’yang eroplanong papel!
TITSER: Edwin, bakit kinuha mo ‘yung assignment ni Mario? At ginawa mo pa raw eropla­nong papel?! Akin na, titingnan ko.
EDWIN: Wala na po, Ma’am!
TITSER: Bakit?
EDWIN: Na-hijack po ‘yung eroplano! Hindi na nakabalik!

Like Father, Like Son
TATAY: Anak, mag-aral ka!
ANAK: Ayoko po! Bobo po ako! Hindi po ako makaintindi!
TATAY: Kaya nga mag-aral ka, para makaintindi ka!
ANAK: Ayoko nga sabi! Bakit hindi kayo makaintindi? Bobo rin ba kayo?!

Boy Loves Girl
BOY: Geometry ba ang favorite subject mo? Perfect ka kasi kahit saang anggulo tingnan, eh!
GIRL: Mukha ba akong equilateral triangle? Ayoko na sa ‘yo. I hate you! Bas­ted ka na!

Bawal sa Classroom
Isang grupo ng mga estudyante ang nagbi-BJ sa loob ng classroom.
Bastos?!
Oo naman… mag-BLACKJACK ka ba naman sa school?!

Pinoy HISTORY - Tanong (T) at Sagot (S)
T: Sinong bayani ang swimmer?
S: Lapu-lapu.
T: Bayaning manok?
S: Tandang Sora.
T: Bayaning adik?
S: Graciano Lopez High-na.
T: Bayaning naghuhubad?
S: Undress Bonifacio.
T: Bayaning matakaw sa mansanas?
S: Apple-inario Mabini.
T: Bayaning maalat?
S: Emilio Asin-to.
T: Bayaning pilay?
S: Marcelo H. del Pilay.
T: Bayaning pilay na eh mandurugas pa?
S: Gre-goyo del Pilay.
T: Bayaning papel?
S: Sulatan Kudarat.
T: Bayaning maga ang nguso?
S: Diego Silang.

Science and Life
If only every Science in the world could be applied to everything, then…
- PHYSICS could explain why we ‘fall’ in love with someone without being affected by ‘gravity.’
- LOGIC could give us the ‘reasons’ why we can’t get someone we really wanted.
- CHEMISTRY could help us find our ‘perfect combination.’
- ANALYSIS & PHY­SIOLOGY could show us how to ‘locate’ the scars in our ‘heart.’
- And probably, PHARMACOLOGY could teach us how to formulate a ‘potent analgesic’ so as not to feel any pain again or anger.


blog#9

No comments: