Kilala mo ba si Albert Einstein?
Kung minsan sa buhay mo ay naging estudyante ka at nagkaroon ng subject na Science, Chemistry o Physics, tiyak na kahit paano ay narinig mo sa iyong teacher o nabasa mo sa libro kung sino si Albert Einstein at kung bakit siya kinilala saan mang panig ng daigdig bilang isa sa mga pinaka-henyong tao na nabuhay sa mundo!
Kung ngayon mo lang narinig ang pangalang ito, ipagtanong mo na lang sa taong pinakamalapit sa iyo na alam mong nakatuntong sa high school at tiyak meron siyang ideya kahit paano kung sino si Albert Einstein.
Hindi tungkol sa talambuhay ni Albert Einstein ang blog na ito. Ito ay tungkol sa mga kuwelang salawikain mula sa itinuturing na pinakamatalinong siyentipiko ng ating panahon.
Kung susuriin ang mensahe ng kanyang mga salawikain, matatanto mong tugma ito sa buhay at tradisyong Pinoy at may sense of humor. Na parang Pinoy din ang kumatha ng mga kasabihang ito at parang may koneksyon o relativity- wika nga, si Albert Einstein sa puso't isipang Pinoy!
Narito ang nakaka-aliw na mga salawikain ni Albert Einstein na napulot ko sa internet at ang mga komentong hirit ng Pinoy Funny Ideas blog.
Funny Quotes By Albert Einstein
Albert Einstein is best mind known to human. He was the most Intellectual person ever. But still he had a funny side to him. Following are some of his quotes which I found funny -and I'm sure you will also found amusing!
“The secret of creativity is knowing how to hide your sources.”
Pag marunong kang magtago ng sekreto, creative ka!
“Put your hand on a hot stove for a minute, and it seems like an hour. Sit with a pretty girl for an hour, and it seems like a minute. THAT'S relativity.”
(Para sa lalake) Ipatong ang palad sa mainit na kalan ng isang minuto, parang ang bagal ng oras. Ipatong ang palad sa kamay ng isang magandang babae ng isang oras, parang bumilis ang oras!
“If we knew what it was we were doing, it would not be called research, would it?”
"Pa-search" ang tawag pag alam mo ang bagay na hahanapin. "Re-search" ang tawag pag hindi mo alam ang hinahanap mo!
“I don't know, I don't care, and it doesn't make any difference!”
Hindi ko alam. Wala akong pakialam. Ligtas sa sisihan!
"If A is a success in life, then A equals x plus y plus z. Work is x; y is play; and z is keeping your mouth shut."
Pormula para maging matagumpay sa buhay ay mag-trabaho, maglaro at huwag maging tsismoso o tsismosa!
"I never think of the future. It comes soon enough."
Para walang problema sa bawat araw ng iyong buhay, huwag mong isipin ang bukas ngayong araw na ito. Bukas mo na lang siya isipin!
"Two things are infinite: the universe and human stupidity; and I'm not sure about the the universe."
Dalawang bagay daw ang walang hangganan: kalawakan at katangahan; may alam akong pangatlo - ang hilig bumale o mangutang ng Pinoy!
“You have to learn the rules of the game. And then you have to play better than anyone else.”
Kelangan alam mo ang rules ng laro. Hindi ka puwedeng mandaya at makalusot pag hindi mo ito alam!
“I am a deeply religious nonbeliever - This is a somewhat new kind of religion.”
Ako'y relihoyosong hindi sumasamba pero yumuyukod pag may nakaka-enganyong luhuran - ito ang aking kakaibang relihiyon!
“Any man who reads too much and uses his own brain too little falls into lazy habits of thinking.”
Ang taong nagmamarunong, 'yon ang madalas walang alam!
"Gravitation is not responsible for people falling in love."
Pag may dalawang taong nagka-inlaban, siguradong grabe temptasyon na may kasunod na imbitasyon para sa kasalan!
"The hardest thing in the world to understand is the income tax."
Bukod sa income tax, isa pang pinakamahirap maintindihan sa mundo ay kung sino ang pinakamagaling?
Sabi ng iba, Accountant daw - dahil magaling sa entry!
Sabi ng iba, Engineer daw ang mas magaling - dahil magaling sa erection!!
Sabi naman ng iba, Bisaya daw ang pinakamagaling - dahil matigas ang dila!!!
Ano ba talaga... kuya?... ate?
“The only thing that interferes with my learning is my education.”
(Para sa bagets-) Ang tanging sagabal para matuto ng bagong kaalaman ay ang matigas na ulo at pasaway na attitude!
(Para sa may edad-) Ang tanging sagabal para matuto ng bagong kaalaman ay ang mapurol nang utak at makakalimuting memorya!
(Para sa mayabang-) Ang tanging sagabal para matuto ng bagong kaalaman ay big PRIDE chicken!
blog#10
The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment