The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com

Friday, December 5, 2008

30 Lessons in Economics: Explained by Two Chickens - Pinoy Style!

Para sa akin, isa sa pinakamahirap pag-aralan ang subject na Economy. Basta may salitang economy o economic, hirap ko ma-gets.

Economic sufficiency, economic recovery, economic recession, economic meltdown... alam mo ba ang ibig sabihin ng mga ito?

Hango ito sa padalang e-mail ng sister kong masipag mag-browse sa internet-- tungkol sa simple pero kuwelang paliwanag ng iba't ibang economic theories at trends sa buong mundo.

Ang orihinal nito ay tungkol sa mga baka pero sa tingin ko mas madaling maintindihan kung tungkol sa mga manok-- dahil mas maraming sabungero sa Pinas kaysa sa matador-- at dahil mas maraming manok sa Pinas kaysa baka!

Narito ang pa-kuwelang diskarte ng Pinoy Funny Ideas blog tungkol sa economic trends sa buong mundo-- simpleng ipapaliwanag sa pamamagitan ng 2 inahing manok... at mga dagdag-hirit ng blog na ito tungkol sa mga kuwelang Pinoy sa Pinas.


2008 UPDATES ON ECONOMICS TRENDS

1. SOSYALISMO (Socialism)
Meron kang 2 manok. Ibigay mo ang isa sa iyong kapitbahay!

2. KOMUNISMO (Communism)
Meron kang 2 manok. Kukunin pareho ng gobyerno at bibigyan ka ng itlog!

3. PASISMO (Fascism)
Meron kang 2 manok. Kukunin pareho ng gobyerno at bebentahan ka ng itlog!

4. NAZISMO (Nazism)
Meron kang 2 manok. Kukunin pareho ng gobyerno at babarilin ka!

5. BURUKRATISMO (Bureaucratism)
Meron kang 2 manok. Kukunin pareho ng gobyerno, babarilin ang isa, pa-iitlogin ang isa, at itatapon ang itlog!

6. KAPITALISMONG TRADISYONAL (Traditional Capitalism)
Meron kang 2 manok. Ibebenta mo ang isa at bibili ka ng tandang. Magpapalahi ka ng mga sasabungin at lalago ang negosyo. Ibebenta mo at magreretiro sa kinita!

7. SUREYALISMO (Surrealism)
Meron kang 2 manok. Ire-require ka ng gobyerno na mag-aral ng fishing!

8. KOMPANYANG KANO (American Corporation)
Meron kang 2 manok. Ibebenta mo ang isa, at pa-iitlogin ang isa na mangitlog ng para sa apat na manok. Kukuha ka ng consultant para pag-aralan kung bakit natigok ang manok!

9. KAPITALISMONG BENTURA (Venture Capitalism)
Meron kang 2 manok. Palalabasin mo sa rekord na 3 manok ang ibinebenta mo. Maglo-loan ka sa bangko para sa 4 manok. Aaplayan ng tax exemption para sa 5 manok. Ang rights para sa 6 manok ay ipapalista gamit ang isang dummy sa isang kompanya sa Cayman Island na sekretong pag-aari ng isang tao na lalabas na may karapatan sa 7 manok. Ipapalista sa report na meron nang 8 manok at may option na madagdagan pa ng 1 manok. Ibebenta mo ang 1 manok at ireregalo sa kasalukuyang pangulo o ang susunod na pangulo ng bansa mo. Meron matitira na 9 manok. Walang resibo na kasama ang release. Ipo-promo mo na puro tandang ang ipinagbibili mo at bibilhin ito ng mga tao!

10. KOMPANYANG PRANSES (French Corporation)
Meron kang 2 manok. Mag-oorganisa ka ng welga, riot, haharangin ang mga kalsada dahil gusto mo magkaroon ng 3 manok!

11. KOMPANYANG HAPON (Japanese Corporation)
Meron kang 2 manok. Gagamitan ng cloning para dumami ang mga manok. Para paramihin pa ang mga itlog ng manok, gagawa ng itlog na hindi galing sa manok pero galing sa pabrika!

12. KOMPANYANG GERMAN (German Corporation)
Meron kang 2 manok. Gagamitan din ng siyensa para humaba ang buhay ng hanggang 20 taon, tumuka ng pagkain isang beses lang sa isang buwan, at turuan ang manok na maglagay ng itlog sa tray!

13. KOMPANYANG ITALYANO (Italian Corporation)
Meron kang 2 manok. Hindi mo alam kung nasaan. Magde-desisyon kang kumain na lang ng tanghalian sa labas!

14. KOMPANYANG RUSO (Russian Corporation)
Meron kang 2 manok. Binilang mo at nadiskubre mong meron ka palang 5 manok. Binilang mo uli at nalaman mong meron ka palang 11 manok. Muli mong binilang at nalaman mong meron ka lang 2 manok. Titigil kang magbilang ng manok at magbubukas ng panibagong bote ng Vodka!

15. KOMPANYANG SWISO (Switzerland Corporation)
Merong kang 5,000 manok. Wala isa man sa mga ito ang pag-aari mo. Pero makakasingil ka sa bawat may-ari ng manok para storage fee!

16. KOMPANYANG INTSIK (Chinese Corporation)
Meron kang 2 manok. Meron kang 300 tao na nag-aalaga para magpa-itlog. Walang istambay sa inyo, lahat ng tao me trabaho. Ipapa-aresto mo ang reporter na nag-ulat ng totoong sitwasyon!

17. KOMPANYANG INDYANO (Indian Corporation)
Meron kang 2 manok. Sasangkapan mo ng masala or curry powder. Maghahanap ka ng baka at sasambahin mo!

18. KOMPANYANG BRITON (British Corporation)
Meron kang 2 manok. Wala kang masabi kundi bloody at rubbish ang manok!

19. KOMPANYANG IRAQI (Iraq Corporation)
Pakiwari ng lahat, marami kang manok. Sabi mo sa kanila, wala kang manok. Walang naniniwala sa iyo. Bobombahin at sasakupin ang bansa mo. Wala ka pa rin manok pero kabilang ka na sa demokrasya!

20. KOMPANYANG AUSTRALYANO (Australian Corporation)
Meron kang 2 manok. Mukhang maganda takbo ng negosyo. Isasara mo ang opisina at totoma ng serbesa para magdiwang!

21. PINOY ENTREPRENEUR
Wala kang 2 manok. Makikita mong malakas kumita ang pera ang iyong kapitbahay na may 2 manok. Gagawa ka ng paraan para magkaroon ng 2 manok.

22. KAPAMPANGAN
Meron kang 2 manok. Meron ka rin 2 ebun!

23. BIKOLANO
Meron kang 2 manok. Meron ka 20 halaman ng sili!

24. ILOKANO
Meron kang 2 manok. Ayaw mong mamigay ng itlog!

25 BATANGENYO
Meron kang 2 manok. Meron ka rin 10 balisong!

26. OCW
Meron siyang 2 manok sa Pinas bago bumiyahe pa-abroad. Pagbalik ng Pinas, meron na siyang 3 manok!

27. ARABO
Meron siyang 2 manok. Regular na pinatutuka ng tinapay na kubos!

28. ABU SAYYAF
Meron siyang 2 manok. Ipapatubos ang mga manok sa totoong may-ari!

29. ERAP
Meron siyang 2 manok. Nagdagdag ng 1 manok. Dinagdagan ng 1 manok. Nagdagdag uli ng 1 manok. Nagpagawa ng magkakahawig na bahay-manukan para sa mga manok!

30. GLORIA
Meron siyang 2 manok. Dadami ang mga manok nang patukain ng fertilizer. Magsasayawan ng chacha ang mga manok. Papalitan ang petsa ng pangingitlog ng mga manok!


blog#23

No comments: