The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com

Sunday, March 1, 2009

Peter Carpenter and the Guardian Angel

Karpintero itong si Pedro. Isang araw, gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagmamartilyo niya, nalaglag ang martilyo niya sa ilog.

Umiyak siya at lumitaw ang guardian angel niya. "Tutulungan kita, Pedro..." sabay lundag sa ilog. Lumabas ito na me hawak na gold hammer. "Ito ba ang martilyo mo?"

"Hindi po," sagot ni Pedro. Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer. "Ito ba?" "Hindi rin po," sabi ni Pedro.

Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer, "Ito ba?"

"Opo!" sagot ni Pedro. Natuwa ang anghel. "Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang gold at silver hammer!"

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Pedro sa ilog at kasama ang misis niya. Dahil sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog.

Iyak si Pedro. Litaw si guardian angel. "Tutulungan kita..." sabay lundag sa ilog at nang lumitaw ay kasama si Diana Zubiri.

"Ito ba ang misis mo?" tanong ng anghel. "Yes, opo!" mabilis na sagot ni Pedro. Nagalit si anghel, "Sinungaling ka. Akala ko pa naman eh mabait ka."

Nag-reason-out si Pedro, "Sorry po, angel... kasi kapag sinabi kong 'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo eh kasama mo si Katrina Halili..."


"At kapag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo."

"At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Diana at Katrina... "

"Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na lang ang sinagot ko nung una."

Moral Lesson ng Kuwento: Kaya lang naman pala nagsisinungaling ang mga lalake eh for a good and noble reason!

No comments: