Sa mata ng isang boss, may isang dosenang klase ng mga empleyado...
1. CLOWNS - mga kenkoy sa office. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang boss, eto raw yung mga KSP (kulang sa pansin) sa office na dahil hindi naman matalino, o kadalasang matalino na tamad lang, eh dinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pag ang isang opisina walang ganito, magiging malaking sakripisyo ang pagpasok sa work araw-araw.
2. GEEKS - mga taong walang pakialam sa mundo. Papel, boss at computer lang ang iniintindi. Kahit na mainit na ang ulo ng boss at bad trip, ang mga geeks ay walang takot na lumalapit sa boss at nagtatanong kung mag-iiba ang result ng entry kung isa-substitute ang value ng debit sa credit.
3. HOLLOW MEN - may 2 uri ng H.M. virus, ang Type A at Type B. Ang type A ay ang empleyado na madalas na invisible sa office, bakante ang upuan, madalas absent. Ang type B naman ang pumapasok sa office bagaman present eh inivisible naman ang work, at hollow ang utak.
4. GOODTIME GIRLS - barkadahan ng mga magkakaibigang babae na mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok. Madalas na may hawak na hairbrush at women's magazines. Pag pinagawan mo ng group works, sila ang madalas na magkaka-grupo.
5. GOODTIME BOYS- ang male counterparts ng Goodtime Girls, isinilang para magpa-cute. Konti lang ang members nito, 2-3 lang para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng Goodtime Girls, kadalasang puro Hair Gel lang ang laman ng utak ng mga Goodtime Boys.
6. CELEBRITIES - Politicians, Athletes, Performers. Politician ang mga palaban na empleyado na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng kompanya at mga kapwa empleyado kesa sa performance. Athletes ang ilang 'varsitarians' na kung gaano kabilis pumasok eh ganon kabagal mag-work. Performers naman ang mga empleyado na kaya lang yata pumapasok eh para makasayaw, kumanta, at makatula sa stage kapag organizational day. Sa pangkalahatan, ang mga celebs ay matindi ang PR, pero mababa ang IQ.
7. GUINNESS - mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ang mga kakulangan sa katalinuhan. Sila ang mga kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa work. Mabilis mag-work, kahit na laging mali .
8. LEATHER GOODS - mga empleyadong maling uri ng determinasyon meron. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangungupit, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa boss. Talo ang mga buwaya sa pakapalan.
9. WEIRDOS - mga problematic employees, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng office. May kanya-kanya silang katangian, konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang evaluation, at boss's enemy.
10. RIZALISTAS - tinaguriang mga anak ni Rizal. Ang mga Endangered Species kumbaga. Straight 'A' employees pero well rounded at hindi geeks. Boss's pet pero hindi sipsip. Busy sa work pero may oras pa rin sa extra-curricular activities, at gimiks!
11. BOB ONGS - mga medyo matino na may sayad. Updated sa local at foreign news, pati sa showbiz. Laging may naiisip na sanhi, dahilan o excuse sa lahat ng mga nangyayari sa paligid, sa loob at labas ng office.
12. COMMONERS - mga generic na member ng class. Kulang sa individuality, at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila agad napapansin ng boss pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong nakakalimutan ng mga boss at co-employees nila.
Kung nagtatrabaho ka sa isang opisina... ikaw, sa'n ka kabilang?
blog#14
The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment