"Men are from Mars, Women are from Venus!" Title 'yan ng isang bestseller na libro tungkol sa pagkakaiba ng mga lalake at babae.
"What Women Want?" Title 'yan ng isang Hollywood movie noong dekada nubenta na nagpaliwanag sa pampelikula at kuwelang paraan kung ano ang gusto ng mga babae sa buhay.
Imported mula sa Amerika ang libro at pelikulang binanggit pero tugmang-tugma ito at walang pinagkaiba sa mga kababaihang Pinay. Kahit anong lahi, nagkakaisa na sadyang mahirap intindihin ang kanilang mga kababaihan. Ang mga babae ay parang meron unibersal na bokabularyo na sila-sila lang ang nakakaalam at nagkakaintidihan.
Gayon man, sa pagdaan ng panahon at dahil sa pagsulpot mga ekspertong psychologists, writers, movies, books at journals sa ganitong paksa tulad ng binanggit sa unahan, unti-unting nauunawaan ng mga kalalakihan ang mala-diksyunaryong damdamin at kaisipan ng mga kababaihan.
Ano ba talaga ang gusto ng mga babae na dapat malaman at pagsikapan ng mga lalake kung sila ang inaasahan para matupad ang mga ito? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga babae sa bawat pangungusap na lumalabas sa kanilang bibig para lubos na maintindihan ng mga lalake at hindi pagsimulan ng away o di pagkakasundo?
Ayon sa mga ekspertong nagmamarunong, heto ang mga sampol.
DIKSYUNARYO NG MGA KABABAIHAN:
Ang sabi ng Babae kay Lalake - Ang ibig ipaintindi ng Babae kay Lalake!
May narinig akong ingay - Gising ka pa pala!
Gusto mo - Gusto mo!
Kelangan natin - Kelangan ko!
Desisyon mo 'yan - Ako ang magde-desisyon!
Gawin mo ang gusto mo - Lagot ka sa akin!
Kelangan natin mag-usap - Me reklamo ako!
Okay, sige lang - Huwag, ayoko!
Walang problema - Merong problema!
Gising ka pa - Matulog na tayo?!
Hindi ako emosyonal - Wala akong regla!
Doon mo isabit ang picture - Dyan mo isabit ang picture!
Mahal mo ba ako? - May ipapabili ako sa iyong mamahalin!
Ready ako, sandali lang - Hubarin mo muna ang sapatos mo at manood ka ng TV!
Kelangan matuto kang makipag-usap - Sumang-ayon ka na lang sa akin!
Nakikinig ka ba? - Makinig ka, huwag kang magtulog-tulugan!
Pasensiya ka na - Pasensiyahan tayo!
Hindi - Oo!
Baka o Marahil - Hindi!
Nagustuhan mo ba ang luto ko? - Gusto mo man o hindi, masanay ka na!
Hindi ako sumisigaw- Oo, sumisigaw ako dahil mahalaga ito!
Ang liit ng kitchen - Gusto ko ng bagong bahay, bagong kurtina at bagong kasangkapan!
Alam ko ang gusto ko - Ano nga ba ang gusto ko?!
blog#13
The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment