The Filipinos are generally cheerful people. We always have funny ideas and stories about life, love, work and leisure. Life is lifeless, love is loveless, work is dull, leisure is non-relaxing and getting together with people becomes boring if there is no funny story-telling and jokes. Everything under the sun when treated with Pinoy humor can bring smile and laughter! For Jobs Abroad, http://pinoyrecruiter.blogspot.com and for Inspiring Filipino stories, http://pinoytenant.blogspot.com

Thursday, November 13, 2008

Pinoy Jokes: Oldies But Goodies plus News Laughs

INSPIRING QUOTE OF THE DAY
"Hindi ako tamad. Hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos ang kasipagan ko?!"

PULUBI
PULUBI: Palimos po ng cake.
TINDERA (Bakery): Aba, sosyal ka ha! Namalimos ka lang, gusto mo pa ng cake.. eto pandesal!
PULUBI: Duh! Ate? Birthday ko kaya today!

ANAK NI TATAY
BOY: Wala akong kwentang anak para sa inyo. Lahat ng ginagawa ko puro mali. Lagi na lang ako mali! Di 'nyo na ako mahal!
TATAY: Nagkakamali ka anak?
BOY: See... mali na naman ako!

ANAK NI NANAY
NANAY: Ang lakas mo kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!
ANAK: Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba talaga ang anak mo, ako o yung baboy? Umayos ka, Nay! Wag ganun!

REGALO
BF : May ibibigay akong gift sa iyo, pero hulaan mo muna!
GF: Sige, clue naman...
BF: Kailangan ito ng leeg mo.
GF: Kwintas?
BF: Hindi... "panghilod!"

EX-GIRLFRIEND
GUY: (Sa loob ng Mall, may kaakbay na girl) LOVE, yan ang dati kong girlfriend.
JOWA : Ang pangit-pangit naman!
GUY: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since...

CLASS LESSON
TEACHER: Okay class, our lesson for today is science. What is science?
PEDRO: Ako ma'am... ako ma'am!
TEACHER: Okay Pedro, what is science?
PEDRO: Science is our lesson for today!

INDAY
AMO: Inday, paalisin mo nga yung pulubi sa labas ng bahay.
(nilabas ni Inday...)
INDAY: Off you go! Under no circumstance this house would relent to such unabashed display of vagrant destitution!
PULUBI: Oh, I'm so ashamed... Such a mansion of social climbing freaks!
(nakakuha na ng katapat si Inday!)

INCOME
BOB: Nakaka-magkano ka sa isang araw?
PULUBI: Nag-uumpisa kasi ako ng 8 am. Ngayon 9 am na. Naka 80 na ko!
BOB: Hindi din masama noh? Ano mabibili mo niyan?
PULUBI: Pwede na tong isang espresso macchiato sa Starbucks!

KONSULTA
DOC: Umubo ka ...
PEDRO: U-hu ... U-hu!
DOC: Ubo pa...
PEDRO: U-hu ... Uhu!
DOC: Okay.
PEDRO: Ano po ba sakit ko, doc?
DOC: May ubo ka!

MISS GAY BEAUTY PAGEANT
HOST: How can we uplift our economy today even though we are under economic crisis?
BAKLA: (namutla) Mga bakla! Akala ko ba Miss Gay ito? Quizbee pala!

AUTO REPAIR
MEKANIKO: Sir, hindi ko po naayos preno ng kotse niyo.
CUSTOMER: Ha?! Pano na yan?
MEKANIKO: Nilakasan ko na lang po ang inyong busina. Happy trip na lang po!

CHILD SUPPORT
DIVORCED DAD: Anak, pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at sabihin mo... 18 years old ka na, huling cheke na makukuha niya ito for child support... tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya.
DAUGHTER: Mom, sabi ni Dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya ito sakin kasi 18 na raw ako. Pagkatapos, tignan ko daw expression ng face mo.
SINGLE MOM: Sa susunod na pagbisita mo sa kanya, pakisabi salamat sa suporta... kahit di mo siya tatay... pagkatapos tignan mo expression ng face niya!

MATH PROBLEM
BOY: Dad, tulong naman sa assignment ko sa iskul. Find the least common denominator daw.
DAD: Ha? aba'y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah... Aba'y di pa ba nila nakikita?!

SI LOLA
BOY 1: Nakakaawa naman lola mo...
BOY 2: Bakit?
BOY 1: Nakasabay ko kasi magsimba nung isang araw, ubo ng ubo. Pinagtitinginan nga ng tao.
BOY 2: Papansin lang yun.
BOY 1: Bakit?
BOY 2: Bago kasi blouse niya!

INTELLIGENT SECRETARY
A boss confused about his Math asked his pretty female secretary:
BOSS: If I give you 3 million pesos, less 17%, how much would you take off?
SECRETARY: Everything sir... dress, bra, panty!

PALAY AT BIGAS
TEACHER: Mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay na nagiging bigas ay galing sa dugo't pawis ng mga magsasaka?
MGA BATA: Eeewwww!

TITSER'S PET
STUDENT: Ma'am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?
TEACHER: Natural, hindi.
STUDENT: Good, di ko po ginawa assignment ko eh!

SECRET
PARI: Halika sa sulok...
MADRE: Bakit po?
PARI: Secret... sara mo pinto.
MADRE: Wag po!
PARI: Patayin mo ilaw...
MADRE: Diyos ko po!
PARI: Tignan mo rosary ko... Glow in the dark!

DONATION SA KASALAN
PARI: Sana ang donation mo ay katumbas ng ganda ng pakakasalan mo.
GROOM: Eto limang piso, father.
Tinignan ng pari ang BRIDE.
PARI: Eto ang kuwatro na sukli mo, iho!

HOSPITAL PATIENT
WIFE: Hon, nahirapan ako huminga...
HUSBAND: Kung nahirapan ka nang huminga, itigil mo na!

TEXT MATE
GF: Magaling! At sino 'tong baby na nag-text sayo?
BF: Ah.. eh.. kumpare ko yan! Lalake yon! Baby lang palayaw.
GF: Oh eto replyan mo. Hindi daw kayo tuloy kasi may mens daw siya!

MAS POWERFUL
ANAK: Nay, ano po ba 'yung 10 commandments?
NANAY: Yun ang sampung utos ng Diyos.
ANAK: Mas makapangyarihan pa po pala kayo sa Diyos eh!
NANAY: Bakit?
ANAK: Ang dami niyong utos eh!

ERAP CLASSIC #1
JUDGE: Ano ba talaga nangyari?
ERAP: (di nagsasalita)
JUDGE: Sumagot ka sa tanong.
ERAP: Naman eh. Kala ko ba hearing lang to? Bakit may speaking?

ERAP CLASSIC #2
Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.
ATTENDANT: Naku sir, more than 500 years old na po yang vase.
ERAP: Hay salamat. Akala ko bago!

ERAP CLASSIC #3
Sinoli ni Erap ang libro sa library.
ERAP: Sobrang dami ng characters, wala naman istorya.
LIBRARIAN: Kayo pala kumuha ng telephone directory namin!

ERAP CLASSIC #4
Nagbubungkal ng lupa si Erap sa Tanay resthouse para magtanim. Akala ng nakakitang guwardiya, niloloko lang siya ni Erap dahil wala naman siyang makitang tinatanim nito.
GUWARDIYA: Sir, wala naman kayong tinatanim ah.
ERAP: Bobo! Seedless to!!

THOUGHT TO PONDER
Hindi kaya ang dahilan ng pagbaha sa panahon ni Noah ay dahil pinutol niya lahat ng puno para gumawa ng napakalaking arko?!


blog#12

No comments: